|
Post by ms.siteadmin on Aug 30, 2005 8:24:07 GMT 8
Tanda nyo pa ba si Kurt Perez?
Ang first Starstruck Kid survivor ay kasalukuyang nasa Brisbane, Australia ngayon kasama ang buong pamilya niya.
Kasalukuyang nag-aaral ngayon si Kurt sa Wooloowin State School sa Brisbane, Queensland at nasa Year 3 na ang equivalent dito sa atin ay Grade 2 na pawang A's ang grades. Sa penmanship lang daw hirap si Kurt dahil sulat doktor ang anak ni daddy Erwin Perez.
Fluent daw magsalita ng English si Kurt, bagay na ipinagtaka ng teachers niya dahil considering nga naman na kailan lang sila dumating sa Australia at mahusay din daw sa math ang bagets at as of now ay tintuturuan daw si Kurt ng 'recorder' na ang tawag sa naman dito sa 'Pinas ay flute.
Ang paboritong sports daw ni Kurt ay soccer at cricket na kung hindi sila nagkakamali ay baka maging player si Kurt sa school nila.
"Masayang-masaya ang anak ko rito sa Australia, madali siyang naka-adapt kasi mababait naman ang tao rito at marami na siyang kaibigan. Nakaka-chat pa rin ni Kurt ang fans niya although mabagal siyang mag-type, updated pa rin," kuwento ni daddy Erwin.
Hindi nga lang nasagot ni Kurt kung kailan sila uuwi ng Pilipinas para ipagpatuloy ni Kurt ang nabiting career bilang premyo niya bilang Starstruck Kid dahil tanging nasabi lang ng daddy niya sa amin ay, "Sana magkita ulit tayo.
"Ikumusta mo na lng ako sa lahat, sa mga taga-GMA 7, sa Starstruck staff, sa mga press na nagsulat kay Kurt, hinding-hindi namin kayo makakalimutan," mensahe ng daddy ni Kurt.
o0o
buti naman may mga nagsususlat pa ng articles kay Kurt ano? nice talaga...
|
|
|
Post by haruko on Mar 31, 2006 16:45:22 GMT 8
Oo nga. Dahil tuloy sa article na ito miss ko na si Kurt. Lalo kong namiss si Kurt.
|
|
|
Post by ms.siteadmin on May 22, 2006 8:54:52 GMT 8
oo nga nakakamiss, di rin ako nakakapanood ng NOEL kasi 6:30 off ko from work. sa alabang pa ako nangagaling. by the time na nasa haus na ako tapos na NOEL
|
|
|
Post by haruko on May 31, 2006 19:15:30 GMT 8
Ako rin hindi na ako masyado nakakanood ng Noel... kung makanood ako, magtatapos na yung episode...
|
|